Our App. Your Success

Sa bagong RiderX App, sinigurado namin ang iyong tagumpay. Ang bagong app na ito ay ang iyong makakatulong sa pang araw araw na gawain bilang isang Entrepreneur Rider. Lahat ng tools na kailangan ay andito na!

More Deliveries For You

Work/Accident Insurance

Access to Lifetime Benefits

Real-time Wallet Crediting

Professional Trainings

Nationwide Partners

More Deliveries For You

Work/Accident Insurance

Access to Lifetime Benefits

Real-time Wallet Crediting

Professional Trainings

Nationwide Partners

Abot kaya ang pangarap mo na maging Entrereneur Rider ngayon.

"Yung hindi mo na iniisip na baka ma-suspend ka dahil may inayos kang iba..."

Sammy Alberto, Age 32

"Kumpleto benepisyo, protektado ako, pati pamilya ko dahil sa insurance na kinuha ko.."

Kiko Sandeja, Age 28

"Ayos na ayos! Mukhang mas madaling quomota dito dahil sada dami ng partners nila XPL. Ganda din ng App!""

Alem Aldon, Age 37

Frequently Asked Questions

How can I be a RiderX Member?

Papaano nga ba maging isang RiderX Member? Madali lamang at kapaki- pakinabang maging RiderX Member. Bukod pa dyan, kami at ang ating mga partner companies ay handang umalalay sa iyo. Gawin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Download the app via Google Play Store o Apple Store.
  1. Pagkatapos ma-download, buksan ang app. Gumawa ng account gamit ang iyong Google account (Gmail), Facebook, o cellphone number.
  1. Magpa- accredit sa delivery company na nais mong makatanggap ka ng delivery assignments. Bawat company ay maaring may sariling proseso at requirements. Sundin lamang ang kanilang mga itinakda.
  1. Siguraduhing mayroon ka ng mga sumusunod:
  • Driver’s license
  • Profile picture
  • NBI Clearance
  • Drug Test Result
  • BIR 2316
  • OR-CR ng vehicle
  • SSS #
  • Philhealth #’
  • Pag-Ibig #

Para sa tatlong huling requirements, wag mag alala kung wala ka pa ng mga ito, maaari kang mag- apply gamit na mismo ang RiderX.

How will I get more delivery opportunities?

Papaano nga ba mas darami ang potensyal na deliveries mo thru RiderX app? Tayo ay mayroong mahigit 20 parters delivery companies- with nationwide outlets. At ito ay panimula pa lamang- layunin nating mas higit na madagdagan pa ang ating mga partner companies.

Kumpara sa nakasanayan mong iisang kumpanya na pinanggagalingan nang iyong delivery tasks, mas maraming kumpanya ang maaaring makapagbigay deliveries sa iyo. Papaano?

Ang ating RiderX delivery system ay magbibigay assignment of delivery sa isang rider base sa mga sumusunod. Tandaan na ito ay pangkalahatang parameters na ipro- proseso ng ating system. Aaralin ng sistema ang lahat ng best elements present (not single element only) at saka dedesisyunan ang rider to be given the assignment, base sa:

  1. Number of current assignments- if you are with a lesser number of assignments,  that will be one factor to be considered by the system.
  2. Who is nearest to delivery/ pick up- another part of the algorithm for selection is knowing who is the nearest to the delivery and pick up site.
    Traffic jams may also play as a factor.
  3. Capability- ang delivery ba ay nangangailangan ng single motor lamang or would it need a car/ truck? System will consider the size of the package for assigning.
  4. Performance- isa sa mga mahahalagang aspeto ay ang iyong galing sa pagdedelivery o high delivery rate. Ilan sa mga naa-assign sa iyo ang matagumpay mong nadedeliver? Kung di man successful ang deliveries, siguraduhing naka- record ang kadahilanan.
  5. Rating by customers- katambal ng nasa itaas, marapat din ang satisfaction ng ating mga customers sa iyong delivery. Kung kayat hinihikayat ang mataas na kalidad ng customer service.
    But as fair practice ay mayroon din naman tayong ratings for customers. We should keep in mind though ang highest tolerance, kindness, and great service with a smile.

Tandaan na maaaring mangyaring mahigit sa 1 rider ang mag- qualify sa delivery assignment o mapili ng ating system. Sa mga ganitong pagkakataon ay kailangang maagap ang rider upang mauna sa pag- accept ng assignment.

How should I process assigned deliveries?

Papaano ang mga hakbangin sa pag-proseso ng mga na-assign sa iyong deliveries?

  1. Maging maagap sa pag- accept ng notification of delivery assignment. Tandaan na maaaring bukod sa iyo ay may qualified ding ibang riders.
  2. Magtungo sa pick-up center kung saan naroroon ang package assigned.
  3. Then i- update agad ang status ng nakuhang package. Gawin din ito sa mga bawat hakbangin ayon sa itinuro sa iyo sa training tulad ng “for delivery, delivered, refused, at iba pa. Ilagay ang ibang detalye kung kinakailangan tulad sa mga pagkakataong refused o walang taong tatanggap.

    Mangyaring ingatan ang mga package na may sensitibong marka o habilin tulad ng to be received by recipient only- no proxy. Ang mga packages na ito ay naglalaman ng mga sensitibong bagay tulad ng dokumento.

  4. Magpasalamat at mag- iwan ng ngiti sa ating mga customers. Sila ang dahilan na tayo ay may hanapbuhay. Building pleasant relationships with customers will help ensure high ratings.
Can I change my delivery area (coverage)?
  1. Mangyaring i-adjust lamang sa settings na matatagpuan sa ating RiderlX App. Ito ay subject for approval within 48hrs. Gawin ng mas maaga ang request kung ikaw ay may planong lumipat ng residence o pansamantalang magtutungo ng ilang panahon sa ibang lugar.
  2. Example from Manila, ay umuwi ka na ng probinsya (Bataan); hanapin lamang sa settings ang “area of coverage.” Mangyaring i-fill in ang lahat ng hinihinging detalye.
What do you mean by real time crediting of wallet?

Ano ang ibig sabihin ng “real-time” crediting sa iyong wallet? Ang wallet o e-wallet na napili mo ay makakatanggap ng iyong kaukulang bayad sa bawat delivery na iyong magagawa ng matagumpay- instantly! Sa nakasanayang pagkita ay aabutin ng 15 days o a-kinse at katapusan para matanggap ang iyong sweldo. Sa RiderX app ay agaran na itong matatanggap sa iyong wallet na napili tulad ng GCash, PayMaya, atbp.

Kung ikaw ay wala pang any wallet app o nais magpalit ng wallet app, sundin ang mga sumusunod:

  1. Go to apps download tulad ng PlayStore; i-download ang choice mong app. Create an account. Sundin lamang ang kanilang proseso.
  2. Matapos ang successful mong account creation sa napili mong wallet, i-register ang iyong account sa RiderX rider apps.
  3. Be advised that it is only in the case of M.Lhuilier na makikita mo directly sa RiderX App ang iyong balance o money. Ito ay dahil may direct collaboraton tayop sa kanila. Para sa ibang app like GCash, PayMaya, atbp, kailangang mag open ng app nito upang makita mo ang iyong balance.
  4. Once registered na ang wallet account mo sa RiderX, you may now received payments after every successful delivery.
  5. Upang magamit nag iyong pera tulad ng pag-withdraw, pagbabayad electronically, atbp, buksan lamang ang iyong wallet app para sa mga naturang transactions.
What are the trainings to be given and are those free?

Ano ang mga sinasabing trainings at may bayad ba ito? Wala pong bayad ang mga trainings ng ating in-house facilitators tulad ng patungkol sa food safety, customer management atbp. Ang mga ito ay naglalayong mabigyan ka ng karagdagang kakayahan at kaalaman upang mas maging ligtas, maayos, at kapaki-pakinabang ang iyong pagseserbisyo.

What is an insurance?

Ano nga ba ang insurance at para saan ito? Ang insurance ay isang proteksyon mula sa pagkawala ng kita dulot ng mga aksidente o pagkakasakit. Bagaman ang ilan nating government mandatory benefits o tinatawag ding lifetime benefits (discussed in the next FAQ item) ay mayroon ding aspeto ng insurance, ang ating pinag- uusapan sa bahaging ito ay patungkol sa iyong protection na focussed sa accidents na maaaring magdulot ng permanent disability o loss of life. Dahil mas focussed at private company offering, ito ay may mas mataas na financial na benefits.

Kaakibat ng ano mang trabaho ang panganib subalit maaring may ibang factors sa pagiging delivery rider ang mas nagpapa-angat ng pangangailangan para sa insurance. Kung kayat minabuti natin na ito ay maging bahagi ng iyong pagseserbisyo. May ilang partner delivery companies ang nagmamandato nito o required. Maging sa iyong boluntaryong desisyon, ito ay ating highly encouraged. Kung ikaw ay mayroong insurance, sa hindi inaasahang mga pangyayari, ikaw at ang iyong pamilya ay makakatanggap ng benepisyo na maaaring makakatulong sa pagpapatuloy ng pang- araw- araw na buhay.

Sa pamamagitan ng RiderX App, mas mapapadali ang pag- avail at pagbabayad mo dito. Pumili lamang ng nais na insurance service mula sa ating mga partner companies at sundin ang mga requirements. I- fill in ang mga detalye na kanilang hinihingi. Matapos ma-aprubahan, mas madali na ang pagbabayad (either buwanan, quarterly, o ano pa mang napiling scheme), sapagkat ang RiderX App na ang kusang magbabawas at magpro- proseso ng iyong bayad.  Sa halip na masayang ang oras sa mahabang pila sa mga bayaran, magagamit mo ang mga oras na ito para sa delivery mo- more time to earn!

What are lifetime benefits?

Ano naman ang mga lifetime benefits? Tulad ng naunang katanungan, ang mga ito ay may aspeto din ng insurance plus more. Ang kaibahan lamang, ang mga ito ay required ng gobyerno at bukod pa nga sa usaping insurance ay may ibang benfits.

Ang SSS at Philhealth ay makakatulong sa iyo maging sa pamilya mo sa mga pagkakataong nangangailangan ka o sila ng medical benefits. Hindi lamang sa pagkakasakit, ito ay magagamit din sa mga pangangailang tulad ng panganganak, operasyon, atbp. Maaari ka ding makapag- loan sa SSS para sa iyong iba’t- ibang pangangailangan- tulad ng salary at business development loans.

Sa kabilang banda, ang PAG-IBIG naman ay tutulong sa iyong mga pangangailangan sa iyong pabahay. Dito ay may pagkakataon kang mag loan upang makapag-patayo o makapag repair o develop ng existing na bahay. Mayroon din itong short term at calamity loans.

Required sa iyong pagiging rider ang mga ito. The good news is, sa pamamagitan ng ating RiderX App ay mas pinadali ang pag- avail at paghuhulog sa mga ito. Ang buwanang bayad ay maaari mo nang gawing automatic! Matapos mai-register ang iyong account o numero, ilagay lamang sa settings ng app ang tamang contribution ayon sa bawat isang ahensya (SSS, Philhealth, PAGIBIG, atbp). Ang app na ang bahalang magbawas at mag-proseso nito para sa iyo! Maiiwasan ang mahabang mga pila sa mga bayaran. Instead na pumila ng mahaba at ilang oras, magagamit mo pa ang mga oras na ito para sa delivery mo- more time to earn!

Does XPL App charge commissions and delivery charge?

May kumisyon ba at delivery charge na ibinabawas ang RiderX App? Ang kasagutan ay- wala. Wala pong kumisyon na ibabawas ang XPL. Makukuha mo ng buong- buo ang iyong kita!

Ang tanging kinukuha ng XPL ay ang napaka- minimal na fixed system usage or service fee. Higit na maliit na charge, malayo kumpara sa usual na kalakalan. Sa kabilang banda, ang delivery charge ay itinatalaga naman ng ating partner companies at hind mula sa XPL. Expect na ang bawat kumpanya ay may different levels of delivery charges.

    Get In Touch

    Get in Touch

    (63917) 822-5677

    [email protected]

     

    Open Hours

    Mon – Fri — 8:00am – 5:00pm
    Saturday — 8:00am – 5:00pm
    Sunday — Closed

    GF Cyberscape Gamma, Topaz and Ruby Roads, San Antonio, Pasig City, Metro Manila, Philippines